Pages



12 August 2011

Kim Chiu prays for viewers and fans to support Binondo Girl even without Gerald Anderson


Nagsimula nang mag-taping ang ABS-CBN primetime teleserye na Binondo Girl. Ito ay pinagbibidahan ni Kim Chiu. Last July 28, sa launching ng Beabi limited artist edition bags sa Greenbelt 5 ay masayang ibinalita ni Kim sa PEP.ph na they have tapped 2 weeks worth of episodes para sa programa.

Sabi nya, "Nakakatuwa and nakaka-excite dahil mapapanood ulit ako gabi-gabi sa Primetime Bida."

Ayon kay Kim, mas nagiging close na sila ng kanyang tatlong leading men na sina Matteo Guidicelli, Xian Lim, at Jolo Revilla.

"Okay sila, sobrang cool, at saka ang babait nila and sobra silang maalaga sa 'kin.

"Kapag nasa set ako minsan, pag lilipat na kami ng ibang location, aantayin nila ako sa labas para sabay-sabay na kaming magpasukan sa mga kotse namin.

"Para kaming isang barkada, isang grupo," kuwento ni Kim.

Happy ang Binondo Girl star na si Kim Chiu dahil unti-unti ay nagiging close na sila ng kanyang tatlong leading men na sina Matteo Guidicelli, Jolo Revilla, at Xian Lim. Ayon sa aktres, tutok siya sa paggawa ng teleserye ngayon dahil ito ang unang pagkakataon na hindi niya katambal si Gerald Anderson. Kinakabahan din daw siya kung paano tatanggapin ng mga tao ang proyektong ito.

No comments: