Nagsimula bilang blind item, hanggang sa diretsahan na siyang pangalanan.
Pero nang subukan ng press na kumpirmahin ito mula sa kampo ni Denise—partikular na ang kinabibilangan niyang talent management na ALV Productions ni Arnold Vegafria—ay itinanggi nila ang balita.
Ang nakapagtataka lang, kasabay ng balitang buntis si Denise ay ang bigla nitong pagkawala sa kinabibilangan niyang soap opera noon—ang Kristine. Kasama ni Denise dito sina Cristine Reyes, Zanjoe Marudo, at Rafael Rosell.
Noong Sabado, September 3, ay muling napanood si Denise sa pamamagitan ng pagganap niya sa drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya.
Kahapon, September 4, pagkatapos ng ilang buwang espekulasyon, finally ay inamin na ni Denise sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz na isa na siyang ganap na ina.
DEFENDING HER MANAGER. Pinasalamatan muna ni Denise ang kanyang home network at ipinagtanggol din niya ang kanyang manager na si Arnold Vegafria.
"You know, not everybody knows this, but he [Arnold] defended me talaga through the end.
"He didn't know anything until the middle na of the whole process.
"And he answered for me, through and through, he was solid for me," saad ng nagbabalik-showbiz na aktres.
NO REGRETS. Wala bang panghihinayang that it happened when she was actually at the peak of her career?
"Well, Tito Boy, let's put it this way... Ang tagal kong nasa industry. I've been in show business for thirteen years.
"Everybody was telling me, 'Bakit ang bagal bago ka sumikat? Bakit hindi ka pinapakanta? Bakit ayaw kang bigyan ng lead role?
"People are always asking me and I always say the same thing: 'In God's time.'
"Now, if God gave me a taste of what I want, I got the taste of it.
"But you know, I really work hard, and I love every part of it, so there's nothing to regret.
"I've worked with different people. I got to work with Direk Cathy [Garcia-Molina], Direk Rory [Quintos], Direk Lauren [Dyogi]... all these wonderful people.