Pages



15 April 2010

Tricia Santos - Ang daming haters! O.o

I haven't really watched the PBB Teens latest edition which is so I tried to search for it . I specifically searched for Tricia Santos. Well, kasi she's from Davao, my kababayan so I might as well try to get to know her. But to my surprise, ang dami niyang haters!?! To think about it, eh kelan lang ng simula etong PBB Teens na eto. Bat dami na niyang haters??? So I tried to search furthere. People are saying she's a flirt. Well I haven't really been able to watch PBB so I can't judge her. I don't have the basis to hate or ridicule her. Ang masasabi ko lang eh kawawa naman ng batang eto pag labas niya. How would she react with all her pictures on the net na hindi ka nais-nais. Well people, don't judge her too much though cause you don't really know her personally. And to Tricia, you are on national tv my dear. People all around the world could see you, so darling, so mind your actions. okay lang mg flirt wag lang ung sobra! okay okay? Patay ka sa nanay mo! WaHehehe

I have seen these photos from tublr, kaloka! Andami mong haters ate!! O.o





Yong Gopez

“Boy Breadwinner ng Pampanga”

Nickname: Yong
Status: In House
Real Name: Marrion Pineda Gopez
Origin: Pampanga
Age:
Birthdate: October 24
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies: Basketball, Sepak Takraw
Favorite Color: Blue
Favorite Food: Filipino Native Foods
Favorite Show: PBB
Favorite Actor:
Favorite Actress: Kim Chiu
Favorite Singer: Parokya Ni Edgar


Si Yong ang bunso sa tatlong magkakapatid. Masayahin, malambing at palatawa siyang bata. Ipinaglihi daw siya sa Sto.Nino sabi ng kanyang ina dahil sa kanyang makinis at maputing kutis. Bagama't hirap sa buhay financially, ay mas nakaluluwag pa sila noon.

Nagsimulang magbago ang guhit ng kapalaran ni Yong nang magsimulang maging manginginom ang tatay nito, kakatapos pa lang niya ng elementarya noon. Maliban sa matinding pangangayayat ng ama ay naging tamad daw ito sa pagta-trabaho at nawalan ng kumpiyansa sa sarili. Kapag pinagsasabihan naman ni Yong ang tatay na tumigil na sa pag-inom ay nakakagalitan lang siya nito. Ano daw ba ang karapatan niyang manaway ng magulang, kung anak lang siya?

Para makatulong sa pamilya ay nagtrabaho si Yong sa isang quarrying site sa Pampanga. Biyernes hanggang Lunes, mula ala-sais ng gabi hanggang alas-sais ng umaga ay nag-aabang siya ng mga truck ng buhangin. Sa bawat truck ng buhangin na papalain niya ay kikita siya ng singkwenta pesos. Ang perang kinikita dito, kasama ng scholarship na nakuha mula sa isang politiko ay nakapag-tapos si Yong ng highschool.

Sa ngayon ay tumigil muna si Yong sa pag-aaral para tumulong sa nakatatanda nitong kapatid na nasa huling taon na sa kolehiyo.

courtesy of ABS-CBN and Starmometer


Yen Santos

“Little Miss Sunshine ng Nueva Ecija”

Nickname: Yen
Status: In House
Real Name: Lilieyen Santos
Origin: Cabanatuan City
Age:
Birthdate: November 20
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Catholic
Hobbies: Badminton
Favorite Color: Red
Favorite Food: Chicken
Favorite Show: PBB
Favorite Actor:
Favorite Actress: Judy Ann Santos
Favorite Singer: Sarah Geronimo

Head turner si Yen sa kanyang school, marami ang nagkakagusto. Pero there was a time na ang naging kabarkada ni Yen ay ang mga B.I. (bad influnce) sa eskuwelahan, tinuruan siyang uminom, magyosi, mag-cutting classes at kung anu-ano pa. Nang mahuli sya ng kanyang nanay na nakikipag-inuman sa mga barkada ay naging bantay sarado ang mga ito sa kanya.

Naging biktima si Yen ng school vandalism, may mga labels na “bitch” at “malandi” na mismong mga B.I. friends niya ang nagsulat. Hanggang sa maka-graduate ito ng high school ay hindi pa rin siya tinatantanan ng mga insecure niyang “kaibigan”, but she would later learn kung paano deadmahin ang mga paninirang ito sa kanya.

Maging daan kaya ang kanyang head-turning beauty para mapalapit siya sa mga housemates, o mauulit ang mga pangyayaring kaiinisan siya ng marami?

Tricia Santos



“Athletic Muse ng Davao”

Nickname: Tricia
Status: In House
Real Name: Patricia Mae Santos Santos
Origin: Mandaluyong City
Age:
Birthdate: May 18
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Catholic
Hobbies: Volleyaball
Favorite Color: Pink
Favorite Food: Sinigang
Favorite Show: 90210
Favorite Actor: Enchong Dee
Favorite Actress:
Favorite Singer: Colbie Caillat


Ipinanganak sa Manila si Tricia, pero nag-move ang kanyang pamilya sa Davao to take part sa business ng kanyang lolo.

Matipid sa pera si Tricia, iniipon niya ang kanyang allowance para mabili ang mga bagay na gusto niya. Hilig din nito ang pag-aartista, ginusto niyang makapasok sa ABS-CBN acting workshop last year, pero hindi siya pinayagan ng kanyang ina. Kaya naman, at 13 ay nagrebelde na ito by going home late and hanging out with an older crowd.

Very active ang lifestyle ng dalaga, she’s a varsity player for volleyball at sa height niyang 5’7 at 14 years old, nakuha na niya ang 1st runner up title sa G. at Bb. Palarong Pambansa.

Makaagapay kaya si Tricia sa sensibilities ng mga kasamahang housemates, or magiging disadvantage kaya niya ang pagiging bata sa grupo?


courtesy of ABS-CBN and Starmometer

Rebecca Chiongban

“Heiress Wonder ng Cebu”
Nickname: Rebecca
Status: In House
Real Name: Rebecca Dimataga Chiongbian
Origin: Cebu City
Age:
Birthdate: April 29
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies: Soccer
Favorite Color: Red
Favorite Food: Lechon Baboy
Favorite Show: The O.C.
Favorite Actor: Gabby Concepcion
Favorite Actress: Anne Curtis
Favorite Singer: Fergie, Spiral Staircase


Mula sa “old rich” family si Rebecca. May-ari ang kanyang tatay ng isang shipping line, samantalang maraming malalaking negosyo ang kanyang nanay. Kahit lumaki sa komportable at marangyang buhay si Rebecca ay hindi daw siya laki sa layaw.

Sa dalawang bahay tumutuloy si Rebecca- sa bahay ng kanyang nanay at sa bahay ng yumaong ama. Simple lang ang mga bahay na tinutuluyan niya, ganun din ang silid na tinutulugan niya. Walang aircon at wala masyadong arte.

Walang arte sa katawan si Rebecca, hindi siya mahilig makiuso kaya naman madali siyang mainis sa mga maarte at flirty girls. Masakyan kaya ng mga housemates ang astiging character ng Heiress Wonder? O masyado silang maangasan sa katangiang ito?





courtesy of ABS-CBN and Starmometer

Shey Bustamante



“Diskarte Bombshell ng Mindoro”


Nickname: Rach, Shey
Status: In House
Real Name: Rachel Anne Bustamante
Origin: Hongkong
Age:
Birthdate: February 12
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies:
Favorite Color: Black, White, Beige
Favorite Food: Leche Flan
Favorite Show: Cheaters
Favorite Actor: Pierce Brosnan
Favorite Actress:
Favorite Singer:

Ipinanganak si Shey sa Hongkong. Pinay ang kanyang ina samantalang isang Australian na naka-base sa Hongkong ang ama nito. Nang mabuntis ang ina, unti-unting lumayo ang ama ni Shey. Dalawang taon si Rachel nang umuwi sila ng ina sa Mindoro, at dahil sa kanyang tisay features ay naging manika siya ng buong bayan.

Suki at beterana sa mga beauty contest itong si Shey. She has 6-titles under her name, at dalawa sa mga sinalihan niyang contest noon ay na-disqualify siya sa kadahilanang s'ya'y “over-qualifed”.

Dahil wala nang gustong lumaban sa kanya sa mga beauty contest sa kanilang probinsya ay nagdesisyon siyang pumunta ng Manila. Dito ay sumali sya sa Mossimo Bikini contest at nanalo ng first runner up. Sumali rin siya sa Binibining Pilipinas 2010, pero sa kasamaang palad ay hindi siya umabot sa finals.

Paminsan minsan na lang umuwi si Shey ng probinsya, mas gusto niya nang manirahan dito sa Manila. Gamit ang kanyang ganda at kaseksihan, pinasok nito ang pagmomodelo at ito ang kanyang pinagkukunan ng pera para mapag-aral at buhayin ang sarili malayo at independently from her family. Ang pagraraket na ito rin ang naging dahilan kung bakit hindi na nito naipagpatuloy ang kanyang pagko-kolehiyo.

Mamangha kaya ang mga housemates sa ganda ng 6-time beauty titlist na ito, o mai-intimidate sila sa kanyang dating. Masakyan rin kaya nila ang spending habits ng dalaga lalo na’t sanay itong gumastos above her means?

courtesy of ABS-CBN and Starmometer

Romeo “Potz” Jalosjos III

“Political Son ng Dipolog”

Nickname: Potzy
Status: In House
Real Name: Romeo F. Jalosjos III
Origin: Dipolog
Age:
Birthdate: July 11
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Agnostic but slowly converting back to Catholic
Hobbies: Swimming
Favorite Color: White
Favorite Food: Pizza
Favorite Show: Naruto
Favorite Actor: Dolphy
Favorite Actress:
Favorite Singer: Justin Timberlake, Ne-yo, Boys Like Girls

Mula sa prominenteng political family si Romeo “Potzy” Jalosjos III ng Dipolog. Pero noong bata ay wala pa siyang kamalay malay sa kasikatan ng kanilang pamilya dahil naghiwalay ang kaniyang mga magulang. Dahil dito tumira muna siya kapiling ang nanay sa Maynila kung saan siya nag-aral.

Pero aminado si Romeo na mas malapit siya sa kaniyang ama na minsan lang niya nakikita tuwing umuuwi ng Zamboanga. Dahil marami silang misunderstanding ng nanay, lumipat si Romeo sa Dipolog para mas mapalapit sa ama. Dito siya unang nakatikim ng pagiging “celebrity” dahil binigyan siya ng bodyguard na sumusunod sa kaniya saan man pumunta.

Kahit kakaiba ang lifestyle sa Mindanao, typical teen pa rin si Romeo at paborito niya ang panonood ng anime lalo na ang Naruto. Mahilig din siyang magbasketball, badminton at diving. Kilala siya sa eskwelahan dahil bukod sa sikat na apelyido, siya din ang peer counseling head at madalas nagbibigay ng mga payo sa mga kapwa teenager niyang may problema.

Maski siya ang isa sa pinakabatang housemate, maging kuya kaya siya sa mga makakasama?


courtesy of ABS-CBN and Starmometer

Patrick Sugui

“Gentle Boy-Next-Door ng Mandaluyong”

Nickname: Patrick
Status: In House
Real Name: Patrick Louie Sugui
Origin: Makati City
Age:
Birthdate: March 23
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies: Soccer
Favorite Color: Green
Favorite Food: Chicken
Favorite Show: Nickelodeon
Favorite Actor: Jack Black
Favorite Actress:
Favorite Singer: The Spider Pirates



Hiwalay ang mga magulang ni Patrick, tita niya ang nagpaaral sa kanilang magkakapatid. Close ang relationship nilang magkakapatid sa kanyang mommy, to the point na ipinakikilala sa kanila kung sino man ang dine-date nito. His mom is now on an-eight year steady relationship with Juan Miguel Salvador, ang 80s rock icon now turned singer-jingle composer. Si Juan Miguel na ang tumatayong stepdad ni Patrick, a very supportive and caring one.

Walang bisyo si Patrick- no yosi, no drugs. Pero lakas tama ito pag tinamaaan ng pag-ibig. Gentleman ito sa mga babae kaya naman nagkakandarapa ang mga hot chicks sa kanya. Walang balak mag-showbiz noon si Patrick, pero mismong mga talent scout ang lumalapit sa kanya.

Naitanghal din si Patrick na Most Valuable Player sa soccer team nila noong siya’y nasa second year high school. Guwapo, athletic at mabait, maging magnet kaya siya sa mga kababaihan o magcre-create ng “clash” kapag pinagdudahan ang too-good-to-be-true personality nito?





courtesy of ABS-CBN and Starmometer

Maichel Fideles


Nickname: Mike
Status: In House
Real Name: Maichel Fabiolas Fideles
Origin: Quezon City
Age:
Birthdate: March 21
Nationality: Filipino
Occupation: Part-time model
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies: Basketball
Favorite Color: Black
Favorite Food: Fried Chicken
Favorite Show: ASAP
Favorite Actor: Piolo Pascual
Favorite Actress: Angel Locsin
Favorite Singer: Arnel Pineda, Journey

Lumaki si Maichel sa Maynila pero pagtungtong n'ya ng Grade 5 ay lumipat na sa Calbayog, Samar ang buong pamilya ng binata maliban sa kanyang ama na naiwan sa kanyang trabaho sa lungsod. Simula noon ay hindi na siya nakatapak ng Maynila, at hindi na rin niya nakausap ang kanyang ama.

Nang mamatay ang nanay ni Mike noong 2009, tanging kuya na lang niya ang kanyang nakakasama pero di naglaon ay nagkasamaan ng loob ang magkapatid. Para makapag-survive ay ginamit ni Maichel ang kanyang gandang lalaki at sumali sa mga male pageants.

May mga kaibigan s'yang tumutulong sa kanya makahanap ng mga sasalihang pageants at maka-provide ng requirements. Ang usapan lang ay hati sila sa pa-premyo.

Kyra Custodio

“Giling Girl ng Batangas”
Nickname: Kyra
Status: In House
Real Name: Maria Kyra Francesca V. Custodio
Origin: Makati City
Age:
Birthdate: June 20
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Catholic
Hobbies:
Favorite Color: Black, White, Blue, Purple
Favorite Food: Pasta
Favorite Show: ASAP, PBB, Showtime!
Favorite Actor: Enchong Dee, John Lloyd Cruz
Favorite Actress: Shaina Magdayao, Anne Curtis
Favorite Singer: Nina, MYMP


Mala-Cinderella ang lifestory ni Kyra. Dahil sa untimely love story ng magulang ng dalaga, di nagkakasundo ang kanyang ina at maternal grandmother Pero sa piling ng maternal grandmother lumaki si Kyra. Di n'ya nakasundo ang lola at maging ang dalawang pinsang kasama n'ya rin sa bahay. Dahil laging napapagalitan si Kyra, nagdesisyon ang kanyang ina na bumukod silang mag-anak.

Sa bagong bahay sa Batangas, na-discover ni Kyra ang talent niya sa pagsasayaw. Maliban sa mga school presentations ay member din siya ng isang dance troupe kung saan nakakatanggap siya ng monthly honorarium na ginagamit niya namang pandagdag sa mga panggastos niya sa eskuwelahan.


courtesy of ABS-CBN and Starmometer

Kazel Kinouchi

“Shopaholic Chick ng Paranaque City”

Nickname: Kazel
Status: In House
Real Name: Kazel Yllarie Kim Kinouchi
Origin: Manila
Age:
Birthdate: August 13
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies: Volleyball
Favorite Color: Pink, White, Black
Favorite Food: Shrimps, Sipa, Maltesers, Milky Way, Papaitan, Sushi, Frozen Yogurts, Hakaw, Kare-Kare, Tacos
Favorite Show: Gossip Girl, Friends, ASAP, Rubi, Showtime!
Favorite Actor: Jake Cuenca
Favorite Actress: Angelina Jolie, Anne Curtis
Favorite Singer: Lady Gaga, Boys Like Girls, Parokya Ni Edgar


Pinay na dating nagtatrabaho sa Japan ang nanay ni Kazel, Japanese ang kanyang father pero ipinanganak si Kazel na wala na ang ama sa buhay nilang mag-ina. Two years nang walang trabaho ang nanay ni Kazel, pero nagagawa pa rin nilang mamuhay nang maaliwalas dahil sa laki ng savings na naitabi ng ina mula sa kanyang pagtatrabaho sa Japan.

Magkaiba ng ama si Kazel at ang ate nito, pero hindi naman daw siya naghahanap ng ama. Bakit daw niya iisipin ang isang taong hindi naman interesado sa kanya? Kung naghanap man siya ay patanong lang.

Like mother-like daughter daw sina Kazel at ang kanyang mommy- parehong mahilig mag-shopping. May sariling credit card si Kazel at sky-is-the-limit ang credit line. Mula ulo hanggang paa, pati ang mga gamit na bitbit ay puro branded. Ito ang bonding moment nilang mag-ina, pero aware naman si Kazel sa sitwasyon at aminado siyang nahihirapan pa siyang mag-adjust sa bago nilang lifestyle.

Matiis kaya ni Kazel ang buhay na walang pera o credit card? Umiral kaya ang kanyang pagiging shopaholic sa weekly shopping at ito pa ang maging dahilan ng pagkakaroon niya ng clash among the other teen housemates?


courtesy of ABS-CBN and Starmometer

14 April 2010

Joe Vargas

“Swabeng Komikero ng Quezon City”

Nickname: Joe
Status: In House
Real Name: Genesis Joseph R. Vargas
Origin: Quezon City
Age:
Birthdate: July 28
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Born Again Christian
Hobbies: Basketball
Favorite Color: White
Favorite Food: Sinigang (very maasim)
Favorite Show: Showtime!
Favorite Actor: Vhong Navarro
Favorite Actress: Anne Curtis
Favorite Singer: Jay Durias


Maagang naghiwalay ang mga magulang ni Joe; ang ama niyang dating religious missionary ay sinasaktan ang kanyang ina. Greatest fear ng pamilya ni Joe ang posibilad na bumalik ang kanyang ama sa kanilang mga buhay.

Ang kapatid ni Joe ay maputi, si Joe naman ay mukhang black-american, ipinaglihi daw kasi siya sa itim na maynika at maitim na bata. Genesis ang tunay na pangalan ni Joe, pero dahil sa kanyang physical appearance ay tinawag siyang Joe. Nakasanayan niya na ito at wala naman violent reaction sa ibinansag na pangalan.

Walang facebook o friendster si Joe, ayaw niya daw kasing habulin ng mga babae. Very funny, cheerful at confident ng character ni Joe, at totoo namang marami ang nagkakagusto sa kanya. Maging habulin nga kaya si Joe sa loob ng bahay ni kuya, o makaka-inisan ang kanyang pagiging “confident”?


courtesy of ABS-CBN and Starmometer


Ivan Dorschner

“Striking Stud ng Rizal”

Nickname: Ivan
Status: In House
Real Name: Ivan Anthony Dorschner
Origin: United States
Age:
Birthdate:
Nationality: American
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Christian
Hobbies: Tennis
Favorite Color: Green, Gray
Favorite Food: Fresh Lumpia
Favorite Show: The Office (American Revision), House
Favorite Actor: John Krasinski
Favorite Actress:
Favorite Singer: Drake



Sa Estados Unidos na lumaki si Ivan. Isang retired handyman ang kanyang ama, at head nurse naman ang kanyang ina. Madalas umuwi ng Pilipinas si Ivan at ang kanyang pamilya, kadalasan dalawang linggo ang tinatagal ng bawat bakasyon nito.

Sa tuwing bumibisita ng bansa ang half-pinoy na ito ay hindi maiwasang pagpiyestahan siya ng mga humahangang kababaihan. Mapa-mall, sa bakasyon, sa tindahan, sa Wowowee.

Marami nang naging gf si Ivan, pero wala pa siyang sinasabihan ng I Love You, wala pa daw kasing nakakapantay o nakakahigit pa sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya. Nagkagusto siya sa isang kaibigan, pero dahil hindi siya nagustuhan nito ay napunta si Ivan sa bestfriend ng babeng gusto. Di nagtagal ay hindi naitago ni Ivan ang nararamdaman sa bestfriend ng girlfriend niya, at ito ang naging dahilan para magkasira ang dalawa.

Matagpuan na kaya ni Ivan ang babaeng makakapag-paibig sa kanya at sasabihan nya ng mga katagang “I love you”, o siya ang magiging dahilan ng “clash” ng mga kababaihang mamamangha sa gandang lalaki niya?



courtesy of ABS-CBN and Starmometer


Fretczie Bercede

“Ang Charming Angel ng Cebu”

Nickname: Fretzie
Status: In House
Real Name: Fretzie Joan Ruite Bercede
Origin: Cebu City
Age:
Birthdate: November 26
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Seventh Day Adventist
Hobbies: Volleyball
Favorite Color: Purple, Pink, Black
Favorite Food: Pizza, Pasta
Favorite Show: Maalaala Mo Kaya
Favorite Actor: Jake Cuenca
Favorite Actress: Leighton Meester, Anne Curtis
Favorite Singer: Britney Spears



Mula sa may-kayang pamilya si Fretzie, nagta-trabaho bilang dentista ang kanyang father samantalang housewife naman ang kanyang mother. May malaking bahay at SUV, pero ang sabi ni Fretzie hindi niya kino-consider ang sarili nila bilang mayaman.

Maganda si Fretzie, ganun din ang kanyang mga kapatid na lalaki. Pero sa kabila ng kagandahang ito ay certified NBSB ang dalaga, and she doesn’t seem to be in a hurry to find love. Isa marahil ito sa mga factors kung bakit habulin ng boys ang dalaga.

Additional IT-factor pa na marunong siyang tumugtog ng piano, may talent sa pagkanta dahil sa kanyang pagvo-voice lessons at may pagka-fit and athletic dahil sa kanyang sport na volleyball.

Pinalaking konserbatibo at very close ito sa kanyang mga kapamilya, kaya naman punong-puno siya ng positivity and sunny disposition. Katuwaan kaya si Fretzie ng ibang mga housemates o di mauunawaan ang pagiging konserbatibo nito?



courtesy of ABS-CBN and Starmometer

Eslove Briones

“Sigang Istokwa ng Tawi-Tawi”

Nickname: Eslove
Status: In House
Real Name: Remcon Christlove Chiong Briones
Origin: San Pablo City, Laguna
Age:
Birthdate: April 30
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies: Basketball
Favorite Color: Green
Favorite Food: Filipino foods
Favorite Show: Wowowee, Showtime
Favorite Actor: Piolo Pascual, Jake Cuenca
Favorite Actress: Angelina Jolie
Favorite Singer: Billy Crawford, Parokya Ni Edgar


Maagang nagkahiwalay ang mga magulang ni Remcon, kaya naman nagpalipat-lipat siya ng eskuwelahan at tirahan depende sa assignment ng kanyang nanay. Nagta-trabaho para sa mga politiko ang kanyang ina, taga-asikaso ng mga bagay-bagay.

May masamang bisyo ang tatay ng binata, at dito halos napupunta ang perang kinikita ng nanay niya, kabilang na ang pang-tuition nila. Para makatakas sa mapait na realidad ay umaalis si Remcon ng kanilang bahay. Nakituloy sa mga kapitbahay at kung minsan ay sa mga kaibigan sa malalayong isla.

Aminado si Remcon na isa siyang problem child dahil maaga itong sumubok ng mga bisyong sigarilyo, pag-inom at pagsugal.

Kahit pasaway si Remcon, mahusay naman daw itong humawak ng pera. Bata pa lang siya nang magtinda ng yema at mani para sa dagdag kita. Ang pisong yema ay binebenta niya ng tatlong piso, ang tatlong pisong mani ay ibinebenta niya ng limang piso. Nagtrabaho din si Remcon sa pier bilang isang kargador. Sabi ng binata, hindi nya ikinakahiya ang kanyang mga naging trabaho, sa katunayan ay proud siya sa mga ito.

Makatulong kaya ang pagiging madiskarte ni Remcon sa mga tasks o mas mananaig ang pagiging ‘problem child’ nya sa loob ng bahay ni Kuya?

courtesy of ABS-CBN and Starmometer


Devon May Natividad Seron

“Bubbly Promdi ng Cebu”

Nickname: Devon
Status: In House
Real Name: Devon May Natividad Seron
Origin: Cebu City
Age:
Birthdate: May 20
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies: Badminton
Favorite Color: Blue
Favorite Food: Spaghetti
Favorite Show: ASAP
Favorite Actor: John Lloyd Cruz
Favorite Actress: Bea Alonzo
Favorite Singer: Paramore, Avril Lavigne


Sa isang squatters area sa Cebu lumaki at nagkamalay itong si Devon. Anim silang nakatira sa isang bahay, at tatlong hakbang lang ay malilibot na ang buong kabahayan.

Driver ang tatay ni Devon, rumaraket naman ang kanyang ina sa pamamagitan ng pamimigay ng leaflets, apat silang magkakapatid. Sa hirap ng buhay ng kanilang pamilya ay naranasan na nilang hindi kumain sa loob ng isang buong araw, minsan naman nakakakain pero tuyo lang ang ulam.

Sa kabila ng kahirapan nararanasan ay masiyahing dalaga si Devon. Mahilig din siya magsuot ng damit panlalaki, at isa sa madalas niyang hiraman ng damit ay ang tatay niya to the point na kung minsan ang tatay niya ang nagsusuot ng damit pambabae.

Naranasan na rin ni Devon ang hindi makapag-take ng exam dahil hindi siya nakapagbayad ng matrikula. At nitong graduation niya ay kamuntik na siyang hindi makapag-martsa, honor student pa naman siya, sa parehong dahilan- hindi nakapagbayad ng matrikula.

Sa tulong ni Kuya ay nakatungtong ng entablado si Devonat nakamit ang pinaghirapan niyang diploma.


courtesy of ABS-CBN and Starmometer

Angelito S. Pasco

“Struggling Isko ng Antique”

Nickname: Angelo
Status: In House
Real Name: Angelito S. Pasco
Origin: Quezon City
Age:
Birthdate: September 26
Nationality: Filipino
Occupation:
Civil Status: Single
Religion: Roman Catholic
Hobbies: Basketball, Sepak Takraw
Favorite Color: Red
Favorite Food: Ginisa na Munggo, Veggies and others
Favorite Show: Katorse
Favorite Actor:
Favorite Actress: Maja Salvador
Favorite Singer: The Moffats

Sadsad sa kahirapan ang naging buhay nitong si Angelo. Sa Maynila sila noon naninirahan ng kanyang pamilya, pag walang pambaon ay nilalakad niya mula bahay hanggang eskuwelahan na may layong 7km. Nang mamatay ang kanyang ama ay umuwi ang kanyang pamilya sa Antique para doon na tumira.

Katulong ang kanyang nanay at halos walang perang naipapadala sa kanya para sa kanyang pag-aaral. Kaya naman nabaon sa utang ang binata, mula sa tuition fee, pagkain sa canteen, at nang minsang ma-ospital siya.

Nakitira din siya sa isang kaibigan na nagmamay-ari ng isang computer shop, dito siya puma-part time ng trabaho kaya naman minsan ay nakakalibre siya ng gamit ng computer para sa mga projects, libreng pagkain, tulugan at paminsan-minsan ay naabutan pa ng kaunting panggastos.

Maging competitive kaya si Angelo sa loob ng bahay ni Kuya para mabigyang katuparan ang pangarap na mai-ahon ang kanyang pamilya sa hirap? Maging daan kaya ang kanyang sad story para maging kaibigan niya ang mga housemate o masyado itong madrama na maaaring dahilan ng pagkaka-clash niya sa ibang mga kasama sa bahay?

courtesy of ABS-CBN and Starmometer


Pinoy Big Brother Teen Edition Clash of 2010 housemates

The official list Pinoy Big Brother Teen Edition Clash of 2010 housemates have been officially introduced on April 3, 2010. Sayang that I was not able to watch it on tv, but I could watch it online though so no biggy! Hehe Anyway, here they are!

(Photos, Names and Tags Courtesy of ABS-CBN and Endemol)





The housemates are divided in two houses, The Villa and the Apartment.

The Villa:

Joe Vargas - "Swabeng Komikero ng Quezon City"
Devon Seron - "Bubbly Promdi ng Cebu"
Eslove Briones - "Sigang Istokwa ng Tawi-Tawi"
Shey Bustamante - "Diskarte Bombshell ng Mindoro"
Angelo Pasco - "Struggling Isko ng Antique"
Kyra Custodio - "Giling Girl ng Batangas"
Yong Gopez - "Boy Breadwinner ng Pampanga"
Maichel Fideles - "Courageous Lakan ng Samar"

The Apartment:

Romeo "Potz" Jalosjos III - "Political Son ng Dipolog"
Rebecca Chiongbian - "Heiress Wonder of Cebu"
Yen Santos - "Little Miss Sunshine ng Nueva Ecija"
Patrick Sugui - "Gentle Boy-Next--Door ng Mandalayung"
Tricia Santos - "Athletic Muse ng Davao"
Kazel Kinouchi - "Shopaholic Chick ng ParaƱaque"
Ivan Dorschner - "Stunning Stud ng Rizal"
Fretzie Bercede - "Charming Angel of Cebu"